Bakit may thesis?
Requirements sa School? Oo!
Umpisa tayo sa pagpili ng grupo, paano kayo nabuo? syempre kung ikaw ay isang magulang na estudyante eh kapit ka kaagad sa matalino, natural lang yun kasi ayaw mo bumagsak. Paano naman kung nagsama-sama lahat ng matalino? (power house!) syempre dapat marunong kayo tumulong sa iba kapag nahihirapan na sila. Doon naman sa mga estudyanteng walang alam kundi maglaro eh hahanap yan ng kagrupo na matino at maasahan, kaya ang tawag sayo eh asaness! minsan no choice kahit walang alam sa coding eh kasama sa grupo kasi KAIBIGAN mo eh kaya nasa grupo at ang trabaho nya runner o kaya tigasin (tiga-print ng docu, tiga-bili ng miryenda, tiga-kwento, tiga-interview at kng ano-anon pang tigasing trabaho sa grupo. Meron din naman na nagsama-sama kasi magbabarkada na mula sa high school hanggang sa pagpasok sa college kaya sila talga ang solid na magkkaibigan at ayun sila ang grupo. Paano nga pala yung Emo este loner pala na tao saan kaya sya gugrupo? kapag may mabait na estudyante eh kukunin nya at isasama sa grupo. Minsan may power house na binubuwag ng titser at ibibigay sa grupo an alam nilang mahina para naman may laban ika nga, pero minsan kahit anong gawing ng titser eh power house talaga sila. meron na mang nabubuo na grupo na ang tawag eh group petiks, yun ung mga walang gagawin hanggat malayo pa ung defense, kaya ngarag sila kpag malapit na at kinakabahan pa kapag nalaman nila kung sino ang panel na kakatay sa kanila, buti nga sa inyo! Ikaw, paano mo pinili ang kasama mo sa grupo?
Ngayon, sa thesis 0 na tayo....
Dito masusubukan ang pasensya nyo sa paghanap ng client, teka muna may naiisip na bao kayong system o application na dapat nyo gawin? isip muna kayo bago kayo maghanap ng client, kadalasan kasi hanap agad ng client at pagadating dun eh meron na silang system na gusto nyo gawin para sa kanila (Asar di ba, una sayang sa pamasahe tapos pagod pa kayo at natural na gastos yun kasi kakain pa).
Isip ng system, unang papasok sa utak nyo yung madaling gawin, ung meron sa library para may mokopya kayo sa document at sa code, tama? (tama yun wag nyo lokohin sarili nyo!) natural na iisip kayo ng system na madali pero ang totoo walang madaling system dahil lahat yun eh dapat dumaan sa proseso, hanap ng client, interview, document tapos code.sabihin na nating meron na kayong naiisip, maghahanap na kayo ngaun ng client... Sino? may contact ba kayo para madali makapasok sa gate at di na sisitahin ng guard at madaaling makapaginterview. Saan? malapit ba o malayo ung location ng client? at kung malayo eh gastos sa pamasahe palang. Anong klaseng client, malaking company o maliit? school ba o private organization? (Tip: huwag kayong humanap ng client na related sa gobyerno, sila ang dapat magprovide ng system nila.)
Interview ngayon tayo sa client......
kapag malayo ang client nyo dapat alam nyo ang gagawin para wala kayong makalimutang mga tanong (Tip: Pagaralan ang system na gusto nyo at magisip ng mga posibleng tanong tungkol sa system nila, ilista nyo lahat ng maiisip nyo at dapat relevant naman sa system huwag yung madaming segway tapos wala naman sense ung tanong, kung pwede tanungin nyo kung pwede irecord lahat ng paguusapan para hindi na kayo pabalik-balik sa kanila - sayang sa pamasahe yun, maging pormal kayo at wag bastos.) Heto ngayon ang masakit na katotohanan, usapan, 8am ng umaga sa FCM dala lahat ng dapat dalhin (letter para sa client, papel, ballpen, recorder, pera) tapos nyan darating dalawa o isa sa kagrupo eh LATE! ang alibi eh walang kamatayang traffic o kaya naman tinanghali ng gising ang maskit pa di makapunta kasi walang pamasahe. Sa ganyan palang magkakasubukan na ng pasensya at pagiging mainitin ng ulo, kung ikaw yung maaga dumating at naghintay ng ilang oras eh siguradong inis at galit pati asar ang mararamdaman mo.. Eh pano kung dumating nga tapos nakalimutan naman dalhin lahat dala ano gagawin nyo? ang aga nga pero ang magpapaalam din na maaga uuwi, kasama mo nga pero buraot naman kasi walang pera, tawa kayo ng tawa pagdating sa client walang maitanong, text ng text habang nagiinterview ung kasama, daming scenario no? totoo naman lahat yan eh.. Paano kung nairecord mo nga at naisulat sa papel lahat ng pinagusapan pero may nakalimutan kayong itanong na mahalaga para sa system nyo? no choice kundi meron babalik sa client... hehehehehe! (Bugok! bakit ka babalik kung pwede naman tumawag sa telepono?). Sa pagiinterview mararanasan nyo ang inis, inis - kasi traffic, late ung kasama, wala ng pera, may nakalimutan, gutom kakalakad,... asar - asar kasi pagadating sa client may miting pala, wala ung iinterviewhin at naka leave, paghihintayin ka ng pagkatagal-tagal tpos 5 minutes lang ung interview, galit - galit kasi ung kupal mong kasama kasi paimportante tapos late naman, magagalit ka rin kapag kayo naman ang late at hindi kayo hinarap ng client nyo (Dapat kasi 30minutes bago ang usapan nasa client na kayo). O sige! tapos na ang interview at meron an kayong data at information.
Bak to homebase! Document na tayo....
Meron na ba kayong format? ung format sa ng thesis na nakatapos na at nasa library eh iba yun sa format ng thesis nyo kaya hindi dapat kayo copy ang paste.. Dapat masunod ung format na binigay sa inyo at kung hindi nyo maintindihan magtanong kayo huwag ung panay lang ans sulat kasi un ang nakita nyo sa thesis na nasa library. May thesis adviser kayo di ba? O, anong ginagawa nila? kung alam nyong mahina kayo sa english at pagsulat sa document nyo eh di un ang gagawin nyo, pumunta kayo sa kanila at magpatulong para naman hindi kahiya-hiya yung mga grammar na pinagsususlat nyo sa document.. Sayang naman at binabayaran nyo sila tapos wala naman silang ginagawa. (Dapat talaga ang bayad sa kanila eh hiwalay, per consult dapat lugi kasi ung tunay nyong thesis adviser na halos sya narin nagtatama sa document nyo.) kung meron na kayong format siguraduhin nyong ung font size, style, spacing eh nasusunod pati yung simpleng indention dapat maayos. (Kung ako panel mo, malamang sa bawas points yan). Heto magandang tip pagdating sa pagpaprint, magipon kayo bawat araw meron kayong tinatago na pera para pagdating ng taghirap meron kayo magagastos. Walang documentator OK!? documentarist ata ang meron, at sa pagsulat dapat iniisip nyo ng mabuti kasi "What the document say will the system do" ngayon kung kontra huwag ka na umasang papasa ka pa. Sa document makukuha ng panel ang mga tanong kaya dapat lahat kayo may alam sa document para sa pagsagot eh lahat may participation at kapag isa sa inyo eh pipi siguradong babagsak (Meron na kaming binagsak kasi wala naman nasabi kahit ha o ni ho, ayun bagsak at dalawa lang ang nakapasa). O, tapos na document? Hindi pa yan kasi irerevise nyo yan pagkatapos ng defense nyo saka ipapapsa kunug major/minor revision kayo pero kung bagsak wala na kayong dapat irevise ang gawin nyo eh magpalit na kayo ng system proposal. Sa revision babagsak ang trabaho ng english adviser nyo at yun dapat eh mamaximize nyo kasi uulitin ko sayang yung binabayad nyo sa kanila.
Sinong Dakila, sinong tunay na Baliw? Hehehehehe! Ang Code Baw!
Sino ang gagawa ng program? Natural, dapat pa bang imemorize yan! syempre ung lead programmer nyo na matalino at hinugot mo o nakipagkaibigan ka o nakisiksik ka sa grupo nya para makapasa ka, sya ung taong alam mong magmasalba sayo pagadating sa defense. Ok, umpisa tau kay lead programmer.. Si lead ang gagawa ng program per module, skanya ung logical design tapos ikukuwento sa isang kagrupo tapos physical design naman. ngayon kapag gumagwa na sya wag kang maingay kasi maguguluhan yan except kung mahilig yan gumawa ng may naririnig na music, Laging simangot at bugnutin yan kasi laging puyat kakaisip ng code at kakadebug ng program (object required!). Si utility boy naman ang mahilig gumawa ng maintenance kasi si lead yung transaction ang ginagawa nya, kasama ni utility boy si reporter at ang ginagawa nya naman syempre yung reports na maintenance nila at meron din na medyo mahirap ng report pagdating sa transaction part ng program at yung panghuli eh ung gumagawa ng document nyo..Madalas sa pagpoprogram, ang gagawin nyo eh tumingin muna ng system ng iba, ung existing na or ung mga nakalipas na system na makikita sa library tpos gagayahin ngaun yan ng lead programmer kahit minsan eh code lang ng code at di inaalam kung para saan ung isang command o object. Sa pagcocode may gumagamit ng ibang language para hindi na magtanong ung panel, pero heto tanong ko sa inyo (kapag gumamit ka ba ng java eh itatanong pa ba ng panel bakit un ang ginamit nyo?) kasi ung system naman ang titignan hindi ung code ng system nyo. Ikaw bang lead programmer eh gumagamit ng function key? yung F8 nyo pra matrace ung dug at bakit may bug kayo. Nga pala lead, dapat lagi kang cool at huwag masyado mainitin ang ulo baka magaway kayo ng kagrupo mo, wag karing gahaman sa trabaho para may magawa naman ung iba, dapat mabait ka kasi baka masiraan ka ng ulo kapag kaaway mo lahat, marunong karin makipagbiruan para masaya, kapag may ibang tanong ung kasama mo entertain mo kasi makakatulong yun sa improvement ng system wag kang self centered na hindi ka magkakamali sa ginagawa mong module.
Kita nyo, "There's no room for petiks boy!, walang tamad at lahat dapat kumikilos"
O! ayan tapos na tayo, pero thesis 0 palang yan...
Defense ngayon, iprove mo sa panelist na kaylangan talaga ng system ang client nyo baka kasi sa kakatanong sayo eh ung tao pala dapat palitan hindi yung system. kaylangan din na buo na ang grupo bago magdefense at nasa venue na kasi magaaway kayo kung isa sa inyo eh late darating.. Sa defense dapat eh sasagot lahat since lahat naman involve sa ginagawang system at siguraduhin nyo na ang sagot nyo eh nasa document nyo na sinasagot naman ng system na ginagawa nyo, sa oras ng defense eh siguradong pinaghalong kaba, takot, lingkot, saya, ngiti, ngiwi at kung ano nao pa kasi nga ang panel nyo eh ung ayaw nyo kasi mabigat magtanong at alam nyong terror. (kaya ayun sinusumpa nyo na halos para hindi makapagpanel).. Saabihin na nating nakalusot kayo, hindi pa tapos an laban kasi may thesis 1 at thesis 2 pa boy! wag kang magpakasaya agad malayo pa ang laban nyo.
Ngayon sa paglipas ng panahon na magkakasama kayong grupo, ano na ang narating nyo? Sinubok ng thesis ang pagsasamahan nyo, nandyan yung may nagtampo, nagalit at nakapagmura na at minsan eh nakapagsalita pa ng hindi maganda sa ka grupo, alam kong dumating din kayo na nagaway-away kayo sa kung ano mang dahilan at sigurado akong oras lagi pinagaawayan nyo kasi nga laging may late. Napagod kayo, nainis sa bawat isa, naguluhan sa code at halos mabaliw na kasi hindi nyo madebug, Naasar kayo sa client na paimportante, naasar kayo sa ibang grupo kasi ang yayabang at patapos na sila kayo wala pang report manlang, ginutom kayo at sigurado yun, nabadtrip din kayo kapag wala ung thesis adviser nyo, naiinis kayo kapag ang daming dapat irevise sa document nyo,.. ang dami nyong naranasan at sa lahat ng yan eh nasaan kayo? ang ganda ng tanong ko, KAYO? kasi sakabila ng lahat ng yan eh kayo pa rin ang magkakasama at magkakaibigan, kayo parin ung grupo na buo at nagtatawanan. Sa madaling salita ang thesis eh hindi lang requirements, ang thesis din ang susubok at huhubog sa pagkatao mo bilang estudyante, yan ang THESIS.
Monday, September 21, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment