Tuesday, September 22, 2009

Ano ba ang Panelista sa Thesis?

Ano nga ba ang panel at ano ang trabaho nito sa loob ng conference room?

Ang panel ang mageevaluate ng mga nagawa ng isang grupo sa loob ng isang taon na paggugol nila ng oras at panahon upang makabuo ng isang system para sa kanilang thesis. Sila ang sumalasa sa lahat ng grupo na haharap sa kanila upang magdepensa at yan ang panel at natural lang na iba-iba ang klase ng panelista, may panelista na masungit at hindi marunong ngumiti, panelista na panay ang tawa, panelista na makulit na akala mo walang kwenta ang tanong pero ang sakit tanggapin na ang laki ng epekto sa sistema, panelista na matanong na pati hindi na dapt itanong eh tinatanong pa rin, panelista na seryoso at hindi ka titigilan hanggat hindi klaro sa kanya ung sagot mo, panelista na akala mo walang alam pero pagnagtanong malupit, panelista na mapagbiro at dinadaan sa biro pero yari ka sa bigat ng tanong at panelista na katulad ko na iniiwasan mo dahil alam mong iba ako magtanong... (Ewan ko sa inyo kung ano meron sa akin at ayaw nyo akong panelista)...

Sa totoo lang tayo, ang panel ay kinatatakutan ng mga estudyante dahil alam nilang mabibigat ang mga tanong na ibibigay sa kanila, yung mga tanong na halos hindi masagot ng dumidepensa habang nangingilaid na ang luha. Iniiwasan at kung minsan hindi pinapansin ng mga estudyante ang panel pero meron iba binabarkada para kapag sila ang naupo (ung barkada nilang intructor) eh alam nilang pasado at hindi mabigat na tanong ang ibibigay sa kanila. Kinaiinisan din ang panel dahil sa masungit sa loob ng conference room habang oras ng defense at kung minsan tumtaas ang boses na halos makipagsagutan sa estudyanteng ipinagpipilitan ang maling sagot at pilit na pinauunawa sa panel ang systema na alam namang mali (infairness, minsan tama din ang depensa, sarado lang ang utak ng panelista). Minsan ding isinusumpa ang panel na matindi magtanong para hindi na makapagpanel kahit kanino. Ikaw, para sayo ano ang panel?

Ito lang ang tatandaan nyo tungkol sa panel, lahat ng mga tanong eh patungkol sa systema na inihaharap nyo, tanong na mabigat sagutin pero para sa inyo at sa ginagawa nyo, tanong na halos iyakan o iniiyakan pa ng iba, tanong na akala nyo wala lang pero pasok pa rin sa systema nyo, tanong na maliit pero malaki ang epekto, tanong na hindi nyo maintindihan hanggat hindi kayo binibigyan ng sitwasyon, tanong malaki at higit na malaki ang epekto, tanong na pabiro pero totoo, tanong na malalim para subukan kayo, tanong na seryoso pero tinitignan ang kakayahan ninyo, tanong na malupit para ibigay nyo lahat ng makakaya nyo,... meron pa ba akong nakalimutan?

Balibaliktarin mo man yang mga tanong na yan, paikot-ikutin mo pa yan o ikaw man ang umikot at bumaliktad, isa lang ang masasabi ko sayo, lahat yan ay para sa systema na ginagawa nyo.. kung ano manng klaseng tanong ang ibinigay sayo ng kung sino mang panelista mo na masungit, mayabang, matanong, makulit, mainitin ang ulo, mataas ang boses, palabiro, seryoso, nakasimangot, nakangiti, bungisngis at kung ano-ano pa eh lahat ng tanong na yan ay malaking tulong sa paggawa nyo ng systema nyo,..

Ngayon, sabihin mo sa akin.. magagalit ka ba sa akin at halos gusto mo pang isumpa kung ang mga tanong ko eh hindi mo masagot? kaiinisan mo ba ako kung lahat ng dapat kong hanapin sa sistema mo eh hindi ko makita? iiwasan mo ba ako na maging panel kung mabigat ang mga tanong ko sayo? Saan ka pupunta? sino ang gusto mong panelista kung ang lahat ng mga tanong na yan ay makakasalubong mo din naman? Lahat ng tanong na yan ay makakasalubong hindi man sa harap ng panelista, kundi sa araw-araw na dadaan at panahon na lilipas habang dumaraan ka sa thesis...

No comments:

Post a Comment